November 25, 2024

Home FEATURES

Baboy, naispatang lumalangoy sa gitna ng baha sa CamSur

Baboy, naispatang lumalangoy sa gitna ng baha sa CamSur
Courtesy: John Oliver via Bayan Mo, Ipatrol Mo/ABS-CBN

Isang baboy ang naispatang lumalangoy sa maputik na baha sa Canaman, Camarines Sur, sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Base sa ulat ng Bayan Mo, Ipatrol Mo ng ABS-CBN, nakuhanan ng residenteng si John Oliver ang baboy na lumalangoy sa harap ng kanilang bahay noong Miyerkules ng umaga, Oktubre 23.

Sinabi ni John Oliver na pagmamay-ari kanilang kapitbahay ang nasabing baboy.

Dagdag ng ulat, nailigtas naman kalaunan ang hayop matapos nila itong abangan sa creek.

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!

Isa ang Camarines Sur sa lubhang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa.

Ayon sa pinakabagong update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang 11:00 ng umaga, inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Kristine ngayong Biyernes ng hapon o gabi, Oktubre 25.

Samantala, inaasahan daw na papasok ng PAR ang binabantayan nilang bagong bagyo sa silangan ng Eastern Visayas at pangangalanan itong bagyong “Leon.”

MAKI-BALITA: Kristine, papalabas na ng PAR; Leon, posibleng pumasok sa weekend