January 22, 2025

Home SHOWBIZ

'Babangon tayong lahat!' SB19, naglunsad ng donation drive sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

'Babangon tayong lahat!' SB19, naglunsad ng donation drive sa mga nasalanta ng bagyong Kristine
Photo Courtesy: SB19 (FB), Michelle Ricaiso (FB)

Nag-organisa ng donation drive ang all-male Pinoy pop group na SB19 katuwang ang A’TIN para sa mga Pilipinong lubhang naapektuhan ng bagyong Kristine.

Sa Facebook post ng 1Z ENTERTAINMENT nitong Huwebes, Oktubre 24, inilatag nila ang mga detalye kung paano maipaabot ang mga kaukulang tulong sa mga nasalanta.

“In partnership with A’TIN, we will be at the Yellow Gate, Araneta Coliseum on Oct 26-27 (10AM to 3PM) to accept in-kind donations for #KristinePH victims,” saad sa caption.

Para naman sa mga may tanong o paglilinaw tungkol sa donation drive, puwedeng makipag-ugnayan sa sumusunod: 18 Donation Drive o [email protected].

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

“Our thoughts and prayers are with those affected by the typhoon and flooding. Kaya nA’TIN ito. Babangon tayong lahat,” pahabol nila.

Inaasahan namang tuluyan nang makakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Kristine hanggang mamaya, Oktubre 25, 2024, ayon sa PAGASA.

MAKI-BALITA: Kristine, papalabas na ng PAR; Leon, posibleng pumasok sa weekend