November 22, 2024

Home SHOWBIZ Events

Arthur Nery magbebenta ng mga gamit, magsasagawa ng donation drive sa concert

Arthur Nery magbebenta ng mga gamit, magsasagawa ng donation drive sa concert
Photo Courtesy: Arthur Nery (FB)

Naglabas ng pahayag ang Viva artist na si Arthur Nery matapos ianunsiyo ng kaniyang management na itutuloy ang kaniyang cocert sa gitna ng pananalanta ng bagyong Kristine.

Sa Facebook post ni Arthur nitong Biyernes, Oktubre 25, sinabi niyang plano raw nilang maglagay ng kahon sa entrance na magsisilbing lalagyan ng iba’t ibang uri at anyo ng tulong.

“We will be putting up boxes at the entrance, where you can donate in cash or in kind. I will also be selling some of my stuff and my outfits during the concert online, with all proceeds going to those directly affected by the calamity; please hang tight for the details on how and when you can purchase them,” saad ni Arthur.

“We are reaching out to and hopefully collaborating with other donation drives to ensure that help is sent to the ones in need,” aniya.

Events

Rampapayag kaya? Michelle Dee hinihiritang sumali sa Miss Grand International 2025

Dagdag pa ng singer: “I will be performing tonight at the big dome, but my heart and my mind will be with those who can't show up.”

Umani naman ng pagmamahal at suporta mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"It's now a concert for a cause! Thank you kuya chinggo! May your concert touch the lives of your fans and listeners! "

"i love you big time, chinggo. pls be safe"

"KEEP SAFE ARTHUROOOoO AND MGA HIBINS ESPECIALLY SA MGA TUTULOY SA ARANETA!! SEE YOU SOON CHINGGO "

"AWWW! T^T!! WE! LOVE! YOU! OUR! CHINGGO! KEEP SAFE GUYS!!<33"

"See you later chinggo we love youu , Stay Safe and Dry everyone and ingat sa mga ba-byahe pa from far places "

"goodluck art thor!"

Sa huli, umaasa si Arthur na magkikita-kita silang muli ng kaniyang fans sa mas maayos na sitwasyon.