November 22, 2024

Home BALITA

14 na katao sa Batangas, patay matapos matabunan ng lupa

14 na katao sa Batangas, patay matapos matabunan ng lupa
Photo Courtesy: PRO-Calabarzon

Kalunos-lunos ang sinapit ng labing-apat na katao sa bahagi ng Brgy. Sampaloc, Talisay, Batangas nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 25.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) ng  Calabarzon kaninang 11:50 a.m. nitong Biyernes, patay na umano nang matagpuan ang mga katawang natabunan ng lupa at malalaking bato dahil sa malakas na ulang dala ng bagyong Kristine.

Samantala, ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News, anim pa raw ang nawawalang katawan matapos maguhuan ng lupa.

Kaya naman, patuloy pa rin ang PRO sa pagsasagawa ng search, rescue, and retrieval operations sa nasabing lugar.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Matatandaang ayon sa 5:00 a.m. weather bulletin ng PAGASA noong Huwebes, Oktubre 24, nakataas sa singal number 2 ang lalawigan ng Batangas.

MAKI-BALITA: 'Kristine,' nag-landfall na; panibagong LPA, binabantayan