January 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Yassi, tinalakan ng netizens dahil sa Siargao issue ng Villafuertes

Yassi, tinalakan ng netizens dahil sa Siargao issue ng Villafuertes
Photo courtesy: Bantay Nakaw Coalition (FB)

Nakatikim ng sermon at okray mula sa mga netizen ang aktres na si Yassi Pressman matapos madawit sa kuyog ng netizens sa mga Villafuerte na namataan umanong namamasyal sa Siargao habang binabayo naman ng bagyong Kristine at baha ang Bicol region.

Sa mga kumakalat na larawan, makikitang kasama si Yassi ng mga Villafuerte, dahil boyfriend niya si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Trending tuloy sa X (dating Twitter) ang pangalang "Yassi" dahil pinagsalitaan ng mga netizen ang nabanggit na aktres.

MAKI-BALITA: ‘Stranded sa Siargao?’ Netizens, pinuna gobernador ng CamSur

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Narito ang ilan sa mga nakalap na X posts:

"While the entire Bicol region is submerged in floodwaters and in desperate need of help and rescue, Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte and his girlfriend, Yassi Pressman, were spotted in Siargao. #KristinePh"

"Sana kung gaano kalakas ang loob ni Gov. Luigi Villafuerte laplapin si Yassi Pressman in public, ganon din sana kalakas ang loob niya na lumabas ngayon para silipin at kamustahin ang mga taga CamSur na labis na naapektuhan ng #KristinePH #BangonNaga #PrayForBicol"

"Our governor is in Siargao with girlfriend, Yassi Pressman. Yes, Luigi Villafuerte. Give us nothing!!!!"

"Balita ko nasa Siargao daw yung Gov ng Camsur kaya hanggat myday lang daw ang magawa. Grabe! Habang siya pasarap sa vacation with Yassi pero yung people nya nasalanta na ng bagyo kaya tuloy to the rescue yung kuya to save the face of the Villafuertes."

"Ano ba yan Yassi, hindi makabubuti sayo magdididikit diyan..."

"yassi pressman associating herself with families like this is so low…. yall really have no self respect"

Sa isang mahabang Facebook post ay nauna nang pinabulaanan ni Cong. LRay ang patungkol sa mga kumalat na larawan, na aniya ay "lumang style" ng kanilang mga kalaban sa politika. Aniya, totoong nagtungo sila sa Siargao noong Sabado, Oktubre 19, subalit agad namang nakabalik sa CamSur bago pa man humagupit nang tuluyan ang bagyo.

MAKI-BALITA: Cong. Villafuerte, umalma sa isyung naglalamyerda sila sa Siargao habang may bagyo

Hinikayat na lamang niya ang mga umano'y nagpapakalat ng pekeng balita laban sa kanila na tumulong na lamang sa pagsasagawa ng relief and rescue operations sa mga nasasakupan. Tinawag niya ang mga ito na "sinungaling" at "ulol."

MAKI-BALITA: Villafuerte sa mga sinungaling at ul*l: 'Tumulong na lang kayo!'

Samantala, sa halip na sagutin ang isyu, ipinakita ni Gov. Luigi ang isinasagawang relief and rescue operations ng kaniyang team para sa kaniyang mga nasasakupan.

MAKI-BALITA: Gov. Villafuerte, nagbigay ng updates sa relief at rescue operations sa CamSur

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Yassi patungkol dito.