November 22, 2024

Home BALITA

Villafuerte sa mga sinungaling at ul*l: 'Tumulong na lang kayo!'

Villafuerte sa mga sinungaling at ul*l: 'Tumulong na lang kayo!'
Photo courtesy: Lray Villafuerte (FB)/Bantay Nakaw Coalition (FB)/Luigi Villafuerte (FB)

May mensahe si Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund "Lray" Villafuerte sa mga "sinungaling" at "ulol" na nagpapakalat daw ng kanilang mga larawan habang nasa Siargao, kahit na binabayo ng bagyong Kristine at nakararanas ng matinding pagbaha ang Bicol Region.

Gumawa ng ingay sa social media ang isyung inuugnay ngayon sa gobernador ng Camarines Sur na si Luigi Villafuerte at ama nilang si dating Camarines Sur Representative Luis Villafuerte, na umano’y na-stranded daw sa isla ng Siargao dulot ng kanilang umano'y pamamasyal habang sinasalanta ng bagyong Kristine ang kanilang nasasakupang lalawigan.

Pinabulaanan ni Villafuerte ang tungkol dito, subalit sinabi niyang totoong nag-Siargao sila noong nagdaang Sabado, subalit agad ding nakabalik sa CamSur bago pa man ang pananalasa ng bagyo.

Aniya, ito raw ay lumang style na ng kanilang mga kalaban.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"Lumang style na yan gawa nyo mga ulol , hinde nyo kaya lokohin mga Tao ! Ilan election nyo na yan ginagawa para siraaan kami . Alam ng Tao and tutoo , mas alam ng tao ang fake news!" mababasa sa Facebook post.

Ibinida rin ni Villafuerte ang ginagawa nilang mga hakbang para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan. Kung kinakailangan daw na minu-minuto ang pag-uupdate ay gagawin niya, subalit mas pinipili raw nilang humanap ng solusyon at umaksyon kaysa bumabad sa social media.

Giit pa niya, sana raw ay tumulong na lamang ang mga gumagawa umano ng fake news laban sa kanila.

"Sa mga Sinungaling at ulol ,tumulong na lang kayo , tigilan nyo na yan mga panira nyo , mga pa epal nyo sa fb dahil yan gawa nyo may karma at balik Sainyo yan !" aniya.

MAKI-BALITA: Cong. Villafuerte, umalma sa isyung naglalamyerda sila sa Siargao habang may bagyo