December 23, 2024

Home BALITA

‘Special treatment daw?’’ Pagdaan ng convoy ni Quiboloy sa EDSA busway, inalmahan!

‘Special treatment daw?’’ Pagdaan ng convoy ni Quiboloy sa EDSA busway, inalmahan!
Photo courtesy: MMDA/website and Pastor Apollo Quiboloy/File photo

Tila marami ang kumondena sa pagdaan umano ng convoy ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy sa Epifanio Delo Santos Avenue (EDSA) busway patungong senado nitong Miyerkules, Oktubre 23.

Matatandaang nitong Miyerkules, ang kauna-unahang pagharap ni Quiboloy sa pagdinig sa Senado matapos ang hindi niya pagsipot sa mga naunang subpoena sa kaniya.

Nais umanong bigyan ng SAICT ng violation ang driver ng naturang convoy ni Quiboloy. Ayon sa ahensya, maituturing daw na “reckless driving” ang ginawa ng driver ng convoy matapos ang hindi awtorisadong pagdaan nito sa busway mula sa bandang Annapolis hanggang marating ang Roxas Boulevard.

Dagdag pa ng SAICT, mahigpit na ipinagbabawal ng ahensya at ng Land Transportation Office (LTO) ang paggamit o pagdaan sa kahabaan ng EDSA busway. Tanging ang mga awtorisadong bus lamang daw ang maaaring dumaan dito gayundin ang sasakyan ng Pangulo, ambulansya at emergency response vehicle.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ilang netizens din ang pumuna sa nasabing paggamit ng busway ni Quiboloy.

“WALA DAPAT SPECIAL TREATMENT IYAN LUKO LUKO IYAN AT SINUNGALING.”

“A very special treatment naman po yern.”

“Son of god kaya kahit saan pwedeng dumaan yan mga siga ng gobyerno.”

“Dapat sundin ang batas, busway yon eh!!!”

“Paano pala.pag-ordinaryong mamamayan ka... Magdusa ka sa traffic ganun ba dapat.”

“Pag mahirap nganga.. pag mayaman special treatment..

Samantala, wala pang pahayag ang kampo ni Quiboloy hinggil dito.

Kate Garcia