November 22, 2024

Home BALITA

Richard Gomez at iba pa, inireklamo ng grave coercion at grave threat

Richard Gomez at iba pa, inireklamo ng grave coercion at grave threat
Photo courtesy: Richard Gomez (FB)

Inireklamo ng isang barangay captain sina Leyte 4th District Rep. Richard Gomez at iba pang mga kasama ng grave coercion at grave threat sa Prosecutor’s Office ngayong Huwebes, Oktubre 24, sa Palompon, Leyte.

Ayon sa mga ulat, ang nagsampa ng kaso ay si Darlito Sevilla Nuñez na sinasabing nakaranas umano ng pamumuwersa mula sa 10 Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) officers na lumagda sa isang sworn affidavit na umano'y magdidiin kay dating Congressman Vicente Ching Veloso na siyang mastermind o utak sa pagpaslang sa kaniyang kapatid na si Anthony Nuñez noong 2016.

Sa reklamo ni Nuñez, sinasabing inalok daw siya ng ₱5M at bahay sa Maynila kapalit ng kaniyang testimonya subalit tumanggi raw siya rito.

Maging ang kaniyang anak daw na si "Aida" ay inalok din ng milyones upang ituro at idiin si Veloso subalit tumanggi rin ito.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng actor-politician tungkol sa isyu.