November 24, 2024

Home BALITA National

PBBM admin, nagtatagumpay na sa pagbawas ng kahirapan sa PH – Romualdez

PBBM admin, nagtatagumpay na sa pagbawas ng kahirapan sa PH – Romualdez
MULA SA KALIWA: House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Bongbong Marcos (MB file photo)

Para kay House Speaker Martin Romualdez, nagtatagumpay na ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbawas ng kahirapan sa bansa matapos ilabas ng OCTA Research kamakailan ang resulta ng survey kung saan bumaba umano ang self-poverty rating ng mga Pilipino.

Sa isinagawang survey ng OCTA mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2, bumaba raw sa 5% ang bilang ng mga Pilipino na itinuturing kanilang sarili bilang mahirap.

Kaugnay nito, sinabi ni Romualdez sa isang pahayag nitong Huwebes, Oktubre 24, na nagbubunga na raw ang mga programang ipinatutupad ng administrasyong Marcos.

“The latest survey shows that over a million Filipino families no longer consider themselves poor, which can only mean one thing: the Marcos administration is succeeding in its mission to reduce poverty," giit ni Romualdez. 

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

“Atin pong ikinagagalak ang magandang balitang ito. Hindi po nasasayang ang ating pagsisikap na maiahon ang ating mga kababayan sa Bagong Pilipinas campaign ng ating mahal na Pangulo,” dagdag niya.

Ayon pa sa House leader, patuloy umanong inuuna ng administrasyon ang kapakanan ng mga Pilipino, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan, sa kabila ng mga pandaigdigang hamong dulot ng “conflicts” at “supply chain disruptions.”

"Nakikita na natin ang resulta ng mga programa ng Pangulong Marcos, at ito ay nagbibigay ng pag-asa sa mas maraming pamilyang Pilipino,” ani Romualdez.

"President Marcos has been consistent in his vision of building a resilient economy, one that is capable of withstanding the pressures of international disruptions. Through the administration’s interventions, we are seeing the positive impact on the lives of ordinary Filipinos," saad pa niya.