Mabagal pa rin ang pagkilos ng Severe Tropical Storm Kristine habang patungo ito sa Lingayen Gulf, ayon sa update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 8:00 ng gabi nitong Huwebes, Oktubre 24.
Base sa pinakabagong update ng PAGASA, huling namataan ang Severe Tropical Storm Kristine sa coastal waters ng Bacnotan, La Union.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 145 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa mga sumusunod na lugar:
SIGNAL NO. 2
Luzon:
Metro Manila
Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Kalinga
Abra
Ifugao
Mountain Province
Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Aurora
Nueva Ecija
Tarlac
Zambale
Bataan
Pampanga
Bulacan
Northern portion ng Cavite (Ternate, Maragondon, Naic, Tanza, City of General Trias, Rosario, Cavite City, Noveleta, Kawit, Imus City, Bacoor City)
Northern portion ng Rizal (Cainta, Taytay, Angono, San Mateo, Rodriguez, Tanay, City of Antipolo, Baras, Teresa, Morong)
Northern portion ng mainland Quezon (General Nakar)
SIGNAL NO. 1
Luzon:
Batanes
Mga natitirang bahagi ng Rizal
Mga natitirang bahagi ng Cavite
Batangas
Laguna
Mga natitirang bahagi ng Quezon
Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Marinduque
Romblon
Northern portion ng mainland Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, San Vicente, Dumaran, Roxas) kabilang na ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands
Visayas:
Aklan
Capiz
Antique kabilang na ang Caluya Islands
Iloilo
Bantayan Islands
Western portion ng Northern Samar (Lope de Vega, Rosario, Biri, San Isidro, Capul, San Vicente, Victoria, Lavezares, San Antonio, Mondragon, San Jose, Catarman, San Roque, Allen, Bobon)
Northern portion ng Samar (Calbayog City, Tagapul-An)
Base sa forecast track ng PAGASA, inaasahang kikilos ang bagyong Kristine pa-west o west northwest sa West Philippine Sea (WPS) at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng tanghali, Biyernes, Oktubre 25.