Nakataas pa rin ang Signal No. 3 sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa Severe Tropical Storm Kristine na nasa bahagi na ng Cordillera Administrative Region (CAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes ng umaga, Oktubre 24.
Sa update ng PAGASA kaninang 8:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyong Kristine sa vicinity ng Aguinaldo, Ifugao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
SIGNAL NO. 3:
Luzon:
Southern portion ng Cagayan (Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Iguig, Tuao)
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Southern portion ng Abra (Malibcong, Licuan-Baay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney, Tubo, Luba, Manabo, Bucay, Villaviciosa, Pilar, San Isidro, Peñarrubia)
Benguet
Northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, San Jose City, Pantabangan, Guimba, Santo Domingo, Talavera, Llanera, Rizal, Bongabon, Talugtug, Science City of Muñoz, Cuyapo, Nampicuan)
Northern portion ng Tarlac (Mayantoc, San Clemente, Camiling, Santa Ignacia, Gerona, Paniqui, Moncada, San Manuel, Anao, Ramos, Pura, Victoria)
Northern portion ng Zambales (Candelaria, Santa Cruz, Masinloc)
Pangasinan
La Union
Central at southern portions ng Ilocos Sur (Cervantes, Quirino, Sigay, Suyo, Alilem, Sugpon, Tagudin, Santa Cruz, Salcedo, Gregorio del Pilar, San Emilio, Lidlidda, Burgos, San Esteban, Santiago, Banayoyo, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Nagbukel, Santa Maria, Narvacan)
SIGNAL NO. 2
Luzon:
Metro Manila
Ilocos Norte
Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur
Apayao
Mga natitirang bahagi ng Abra
Mga natitirang bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
Mga natitirang bahagi ng Aurora
Mga natitirang bahagi ng Nueva Ecija
Bulacan
Mga natitirang bahagi ng Tarlac
Pampanga
Mga natitirang bahagi ng Zambales
Bataan
Cavite
Laguna
Rizal
Batangas
Northern at central portions ng Quezon (Lucena City, Pagbilao, Infanta, Tiaong, San Antonio, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Sariaya, City of Tayabas, Mauban, Dolores, General Nakar, Real) kabilang na ang Polillo Islands, at Lubang Island
SIGNAL NO. 1
Luzon:
Batanes
Mga natitirang bahagi ng Quezon
Mga natitirang bahagi ng Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Marinduque
Romblon
Northern portion ng mainland Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, San Vicente, Dumaran, Roxas) kabilang na ang Calamian Islands at Cuyo Islands
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands
Visayas:
Aklan
Capiz
Antique kabilang na ang Caluya Islands
Iloilo
Bantayan Islands
Northern Samar
Northern portion ng Samar (Calbayog City, Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, San Jorge, Matuguinao, Jiabong, Pagsanghan, City of Catbalogan, Gandara, Motiong, San Jose de Buan, Santa Margarita, Tarangnan, Daram, Zumarraga)
Biliran
Northern portion ng Eastern Samar (Maslog, Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo)
Northwestern portion ng Leyte (Calubian, San Isidro)
Maaaring bahagyang humina si Kristine habang tumatawid sa Northern Luzon sa susunod na 12 oras dahil sa interaksyon sa lupa, dahilan kaya’t may posibilidad na ibaba ito sa “tropical storm” category.
Gayunpaman, maaaring muling lumakas ang bagyo sa paglayag nito sa West Philippine Sea.
Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa bukas, Biyernes, ng tanghali, Oktubre 25.
Samantala, sa kasalukuyan ay may binabantayan din ang PAGASA na isang low pressure area (LPA) sa labas ng PAR at posible raw itong maging bagyo sa susunod na mga araw.