December 23, 2024

Home BALITA National

'Kristine,' nag-landfall na; panibagong LPA, binabantayan

'Kristine,' nag-landfall na; panibagong LPA, binabantayan

Matapos mag-landfall ng bagyong "Kristine" sa Divilacan, Isabela, may binabantayang low pressure area (LPA) ang PAGASA.

Sa 5:00 a.m. weather bulletin ng ahensya, ngayong Huwebes, Oktubre 24, huling namataan ang bagyo sa Maconacon, Isabela na may taglay na 95km/h na hangin at pagbugso na umaabot sa 160km/h. 

Mabagal din ang kilos ng bagyo pa-West Northwestward na may galaw na 15km/h. 

Inaasahan na dadaan ang bagyo sa West Philippine Sea mamayang hapon o gabi habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Dahil dito, nakataas pa rin sa signal no. 3 ang mga sumusunod na lugar:

- Southern portion ng Cagayan
- Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Southern portion ng Abra
- Benguet
- Northern at central portion ng Aurora
- Northern portion ng Nueva Ecija
- Northern portion ng Tarlac
- Northern portion ng Zambales
- Pangasinan
- La Union
- Central at southern portion ng Ilocos Sur

Signal no. 2

- Ilocos Norte
- Natitirang bahagi ng Ilocos Sur
- Natitirang bahagi ng Abra
- Apayao
- Natitirang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
- Natitirang bahagi ng Aurora
- Natitirang bahagi ng Nueva Ecija
- Bulacan
- Natitirang bahagi ng Tarlac
- Pampanga
- Natitirang bahagi ng Zambales
- Bataan
- Metro Manila
- Cavite
- Laguna
- Rizal
- Batangas
- Northern at central portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands
- Lubang Island

Signal no. 1

- Batanes
- Natitirang bahagi ng Quezon
- Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro
- Oriental Mindoro
- Marinduque
- Romblon 
- Northern portion ng mainland Palawan kabilang ang Cuyo at Calamian Islands
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Masbate
- Aklan
- Capiz
- Iloilo
- Guimaras
- Northern portion ng Negros Occidental
- Northern portion ng Cebu kabilang ang Bantayan Islands
- Northern Samar
- Samar
- Biliran
- Northern portion ng Eastern Samar
- Northern portion ng Leyte

Samantala, binabantayan ng PAGASA ang isang LPA sa Silangan ng Mindanao, na maaaring maging bagyo sa susunod na 24 oras. 

Narito rin ang listahan ng mga lugar na nagsuspinde ng klase ngayong Huwebes. 

BASAHIN: #WalangPasok: Class suspensions ngayong Huwebes, Oct. 24