Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na totoo at siya talaga ang sumasayaw sa nag-viral na TikTok video kamakailan.
Sa isang panayam noong Martes, Oktubre 22, sinabi ni Duterte na hindi artificial intelligence (AI) ang nasabing video, at ginawa raw niya ang pagsasayaw upang matulungan ang kaniyang kasamang content creator.
“Totoo iyon. Hindi AI ‘yung TikTok video ah. Ako iyon. Tatlong videos ‘yan,” ani Duterte.
Kuwento ng bise presidente, nagpatulong sa kaniya ang kaniyang kasamang naging content creator na i-promote ang account nito sa pamamagitan ng pagsayaw.
“Sabi ng kasama ko, 'Content creator na ako. Puwede mo bang tulungan 'yung account ko’,” ani Duterte.
“Hindi ko alam kung paano kumita. Pero sinabi niya, 'Pwede mo ba akong tulungan, i-promote mo 'yung account ko.' Then sinabihan ko siya, 'Sure, maliit na bagay. Anong kailangan kong gawin?’ Sabi niya, ‘Sumayaw ka lang.’ So tinuturuan nila ako, and then sumayaw,” saad pa ni Duterte.
Ang naturang pahayag ni Duterte ay matapos maging usap-usapan ang kaniyang press conference noong Biyernes, Oktubre 18, kung saan pinatutsadahan niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pamilya nito.
MAKI-BALITA: VP Sara, gustong pugutan ng ulo si PBBM dahil sa napahiyang estudyante
MAKI-BALITA: VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa WPS