December 22, 2024

Home BALITA Probinsya

Gov. Villafuerte, nagbigay ng updates sa relief at rescue operations sa CamSur

Gov. Villafuerte, nagbigay ng updates sa relief at rescue operations sa CamSur
Photo courtesy: Luigi Villafuerte (FB)

Tila "unbothered" si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte sa mga ibinabatong intriga sa kaniya na may kinalaman sa kumakalat na larawan ng umano'y pamamasyal nila sa Siargao ng kaniyang amang si Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund "Lray" Villafuerte habang binabayo ng bagyong Kristine ang kanilang lalawigan. 

Makikita pa sa mga kumakalat na larawan na kasa-kasama nila ang kaniyang nobyang aktres na si Yassi Pressman.

MAKI-BALITA: ‘Stranded sa Siargao?’ Netizens, pinuna gobernador ng CamSur

Sa isang mahabang Facebook post ay nauna nang pinabulaanan ni Cong. Lray ang patungkol sa mga kumalat na larawan, na aniya ay "lumang style" ng kanilang mga kalaban sa politika. Aniya, totoong nagtungo sila sa Siargao noong Sabado, Oktubre 19, subalit agad namang nakabalik sa CamSur bago pa man humagupit nang tuluyan ang bagyo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

MAKI-BALITA: Cong. Villafuerte, umalma sa isyung naglalamyerda sila sa Siargao habang may bagyo

Hinikayat na lamang niya ang mga umano'y nagpapakalat ng pekeng balita laban sa kanila na tumulong na lamang sa pagsasagawa ng relief and rescue operations sa mga nasasakupan. Tinawag niya ang mga ito na "sinungaling" at "ulol."

MAKI-BALITA: Villafuerte sa mga sinungaling at ul*l: 'Tumulong na lang kayo!'

Samantala, sa halip na sagutin ang isyu, ipinakita ni Gov. Luigi ang isinasagawang relief and rescue operations ng kaniyang team para sa kaniyang mga nasasakupan.