December 27, 2024

Home BALITA National

'Gagawa ng bangkang papel?' Cong. Villafuerte, pinutakti sa larawang nag-aabot ng 500

'Gagawa ng bangkang papel?' Cong. Villafuerte, pinutakti sa larawang nag-aabot ng <b>₱</b>500
photo courtesy: Congressman Migz Villafuerte

Pinuputakti ngayon ng netizens ang larawang ibinahagi ni Camarines Sur 5th District Rep. Migz Villafuerte kung saan makikitang tila inabutan niya ng ₱500 ang isang ginang.

Sa Facebook post ni Villafuerte nitong Huwebes, Oktubre 24, makikita ang paglibot niya lugar. Aniya, 17 raw ang na-rescue ng kanilang team.

"Kasama ang aking mga katiwalang personal close-in security at kaibigan, sinugod po namin ang tatlong araw ng stranded at di nakakakain na mga CSPC boarders sa Nabua. 17 total rescued sa aming team. More to come! But we need more teams!" saad ng kongresista.

Gayunman, pinansin ng netizens ang isang larawan kung saan makikita ang pag-abot niya ng ₱500 sa isang ginang. 

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pinutakti ng netizens ang comment section at itinanong sa kongresista kung ano ang gagawiin sa ₱500 gayong baha sa lugar.

"Ano gagawin sa 500? Gagawa ng bangkang papel?"

"Cong mga pag kain ang ipamigay mo hindi pera san sila bibili?"

"Yan ba yung tinatawag na boat buying?"

"Wala ba kayong central command station at dapat andun ka para ikaw ang mag mando bilang isang leader? Hindi mo trabaho yan. As a high ranking official, you should be overseeing and coordinating disaster responses. Ensure resources are allocated, decisions are made promptly, stategic plans or actions are being implemented. Act as leader and manager. Make decisions, delegate the responsibilities. Jusko ang bubulok ng gobyernong ito, walang operational efficiency. "

"Mga Malisyoso. Nagpa-Cash-In lang yan. Kita niyo may Gcash"

"PAGKAIN! PAGKAKAN po ang kailangan saan makakabakal ng pagkakan kung baha intero at lubog lahat ... MAG-ISIP ISIP naman po ..."

"Nay: “congressman lunod na po kami sa baha”Cong. Migz: “eto nay 500”

"Mabuhay po kayo cong. Napakagaling po ng na isip nyo na ayuda. Kayo po ang pinakamagaling na cong sa buong mundo"

"Anong magiginibo kang kwarta kung stranded ang sarong tao or family  okay na sana kong foods nalang or water "

"yan ang problema ng POLITICAL DYNASTY eh, kahit hindi karapat dapat sa pwesto nakakaupo dahil family business na nila ang politika."

"During this time of difficulty yan ba yung leader na gusto nyong iboto at iupo ng matagal. Ano gagawin sa 500 eh wala nga mabibilihan dahil lubog din sa baha or sarado. Hindi ba nag iisip yan na pwedeng food or water ang ipamigay. Time to wake up CamSur tama nayan. Iba naman."

Umabot na sa mahigit 27K reactions, 2.7K comments, at 14K shares ang post. 

Samantala, wala pang pahayag si Villafuerte tungkol sa likod ng naturang larawan.

Kaugnay nito, naging matunong ang mga Villafuerte ngayong araw dahil sa mga umusbong na isyu tungkol sa kanila. 

BASAHIN: ‘Stranded sa Siargao?’ Netizens, pinuna gobernador ng CamSur

BASAHIN: Cong. Villafuerte, umalma sa isyung naglalamyerda sila sa Siargao habang may bagyo