November 24, 2024

Home BALITA National

'Di secured?' Kammerchor Manila choir members, nanakawan sa mismong holding area ng gig

'Di secured?' Kammerchor Manila choir members, nanakawan sa mismong holding area ng gig
Photo courtesy: Kammerchor Manila (FB)

Nanakawan ng libo-libong halaga ng gadgets at cash ang mga miyembro ng choir na "Kammerchor Manila" sa kanilang gig sa Shangri-la, The Fort sa Bonifacio Global City (BGC), Huwebes, Oktubre 24 ng 3:00 ng hapon.

Ayon sa post na mababasa sa kanilang Facebook page, hindi nila inaasahang mananakaw ang kanilang gadgets at cash sa "secured" holding area ng hotel.

Natunton umano nila ang kinaroroonan ng kanilang mga gamit, na nasa Pampanga na.

"Earlier today, around 3 PM during our gig at Shangri-La, The Fort in BGC, THOUSANDS worth of gadgets and cash (including iPads, laptops, and phones) were stolen from the 'secured' holding area," mababasa sa kanilang post.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

"We tracked the stolen items and found them in Pampanga. While we trusted the venue, this unfortunate incident reminds us to stay cautious."

Kaya paalala nila sa buong choir community, mga kapwa musicians, at performing artists na nag-iiwan ng mahahalagang gamit sa holding area sa venue ng gigs, "As it's gig season, please ensure you secure your belongings before every performance, no matter the location. Let's all remain vigilant and look out for one another. Stay safe!"

Saad ng mga netizen sa comment section, kailangan daw managot ang pamunuan ng hotel dahil hindi raw na-secure ang safety ng mga gamit ng choir members sa holding area habang isinasagawa nila ang gig.

Wala pang update mula choir kung nakuha na ba nila ang mga nawawalang gamit, gayong na-track na nila kung saan ito dinala.

Ang Kammerchor Manila ay isang award-winning church-based choral group na nakapag-uwi ng Luciano Pavarotti Grand Prize (Choir of the World award) sa ginanap na 2023 Llangollen International Musical Eisteddfod Competition noong Hulyo 8, 2024.