November 22, 2024

Home BALITA National

Cong. Villafuerte, umalma sa isyung naglalamyerda sila sa Siargao habang may bagyo

Cong. Villafuerte, umalma sa isyung naglalamyerda sila sa Siargao habang may bagyo
Photo courtesy: Lray Villafuerte (FB)/Bantay Nakaw Coalition (FB)

Nilinaw ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund "Lray" Villafuerte ang tungkol sa kumakalat na larawan, na nasa Siargao daw sila habang nananalasa ang bagyong Kristine sa kanilang lalawigan.

Gumawa ng ingay sa social media ang isyung inuugnay ngayon sa gobernador ng Camarines Sur na si Luigi Villafuerte at sa kaniyang amang si dating Camarines Sur Representative Luis Villafuerte, na umano’y na-stranded daw sa isla ng Siargao dulot ng kanilang umano'y pamamasyal habang sinasalanta ng bagyong Kristine ang kanilang nasasakupang lalawigan.

MAKI-BALITA: ‘Stranded sa Siargao?’ Netizens, pinuna gobernador ng CamSur

Ayon sa Facebook post ni Cong. Villafuerte, totoong nagtungo sila sa Siargao subalit bago pa man tuluyang manalasa ang bagyo ay nakabalik na sila sa CamSur.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"Ngayon panahon ng kalamidad Dapat lahat nag tutulungan at Nagkakaisa , kaya lang ang mga desperado , mga sinungaling at mga ulol namin na mga kalaban nag papalabas ng fake news sa kanilang mga fake accounts na ako daw at si gov luigi ay nasa siargao daw ngayon habang ang Ating mga kababayan ay nag hihirap sa baha! Kasinungalingan at hinde tutoo ito ! Dahil Alam ng mga taga camsur na puro panira at daldal lang ang aming mga kalaban at wala natutulong kaya gusto lang nila gumawa ng fake news para siraaan kami!" saad ng kongresista sa kaniyang Facebook post.

"Yan picture na kinakalat nila ngayon daw o kahapon nasa siargao kami kasama ang mga sk sa ibat ibang bayan ng camsur . Yan photo in siargao posted kahapon or today was taken Saturday at lahat ng sk nakabalik na ng camsur Monday bago pa nag bagyo ."

"Lumang style na yan gawa nyo mga ulol , hinde nyo kaya lokohin mga Tao ! Ilan election nyo na yan ginagawa para siraaan kami . Alam ng Tao and tutoo , mas alam ng tao ang fake news!"

Saad pa ni Villafuerte, lahat daw ng mga "sinungaling" at "ulol" na nagpapakalat ng fake news laban sa kanila ay tumulong na lamang, sa halip na gumawa ng kasinungalingan.

Sa iba pang post ay nagbibigay ng update ang kongresista patungkol sa kanilang mga hakbang upang mailigtas ang mga nangangailangan ng tulong sa mga nasasakupang nasalanta ng bagyo.