January 23, 2025

Home BALITA National

Angat Buhay, Kaya Natin, nakalikom ng ₱4M sa loob ng 10 oras

Angat Buhay, Kaya Natin, nakalikom ng ₱4M sa loob ng 10 oras
Photo courtesy: Angat Buhay and Kaya Natin/Facebook

Inihayag ng Non-Governmental Organization (NGO) na Kaya Natin at Angat Buhay Foundation ang tagumpay na paglikom nila ng inisyal na cash donations para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Sa Facebook page ng Kaya Natin, ibinahagi nito na as of 6:00 ng gabi ng Oktubre 23, 2024 ay nakalikom na umano sila ng ₱4M, sa loob lamang ng 10 oras.

“As of Oct. 23, 2024, 6:00 PM, we have already raised more than Php 4.2 Million for our kababayans affected by #KristinePH in Naga City,” ng grupo.

“Our partner, Angat Buhay, has already begun transporting essential goods and equipment from Metro Manila to Naga City as part of its relief operations,” dagdag pa nito.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Matatandaang noong Oktubre 23 ng umaga nang ianunsyo rin ng Angat Buhay ang pagtutulingan nila ng Kaya Natin para sa pagkakasa nila ng malawakang donation drive.

KAUGNAY NA BALITA: Angat Buhay, Kaya Natin nag-organisa ng donation drive

Ang naturang post, ay agad namang pinusuan ng netizens na mayroon na ring 52k shares at 1.3k comments na umani ng mga positibong komento.

“Kapag ang Gobyerno ay di corrupt, lahat ay aangat!”

“4M in just 10 hours We are deeply humbled and grateful.”

“The ripple effects of good governance.”

“Ganito kapag may tiwala ang mga tao.”

“Filipinos are generous, specially they know who will handle the funds and where it will go!”

“Ang tunay na unity.”

Samantala, nito lamang Huwebes ng umaga, Oktubre 24, nang ibahagi muli ng Kaya Natin Fb page, ang inisyal na cash donation na umabot na raw sa ₱7M.

“Thank you to almost 3,000 fellow Filipinos who donated to our cause. We are very grateful with your generosity and love for our kababayans in need,” saad nito sa caption.

Patuloy pa rin ang pagtanggap ng mga donasyon ng Angat Buhay Foundation at Kaya Natin, na parehong tumutugon sa rescue mission, donation drive, at community pantry para sa mga apektado ng Bagyong Kristine.

Kate Garcia