November 23, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Robredo, nilinaw na ‘di sa kaniya ang number na kumakalat sa message app

Robredo, nilinaw na ‘di sa kaniya ang number na kumakalat sa message app
Photo courtesy: Atty. Leni Robredo/Facebook

Kasunod ng malawakang donation drive na inoorganisa ni dating Vice President Atty. Leni Robredo, may nilinaw siya tungkol sa pagkalat umano ng cellphone number na umano’y may kinalaman sa paghingi ng cash donations.

Sa kaniyang opisyal na Facebook account, ibinahagi ni Robredo nitong Miyerkules, Oktubre 23, 2024, ang isang screenshot ng isang inbox mula sa messaging app na Telegram at nakapangalan din sa kaniya.

“Bako po ako ini. Saro lang number ko and mayo ako nin Messenger,” saad ni Robredo.

“Hindi ako ‘to. Iisa lang ang number ko at wala akong messenger.”

Pelikula

Pelikula nina Zanjoe, Daniel made-delay?

Iginiit din ni Robredo na tanging ang organisasyong Kaya Natin, ang maaaring tumanggap ng cash donation.

“For all cash donations, we have authorized only Kaya Natin to receive for us para may transparency and accountability,” ani Robredo.

Matatandaang nitong Oktubre 23 din nang ianunsyo ng Angat Buhay Foundation, ang organisasyong binuo ni Robredo, ang pakikipagtulingan nila sa Kaya Natin, para sa relief operations sa Bicol region, dulot ng matinding epekto ng bagyong Kristine.

KAUGNAY NA BALITA: Angat Buhay, Kaya Natin nag-organisa ng donation drive

Dagdag pa ni Robredo na maging ang kaniyang Naga Team ay hindi rin daw tatanggap ng kahit na anong cash donations, bilang bahagi ng kanilang polisiya.

“Not one of us in Angat Buhay or our Naga Team will receive cash donations, as part of our policy,” saad ni Robredo.

Sa opisyal na Facebook page naman ni Robredo na “Atty. Leni Robredo,” tinawag nila ang pagkalat ng naturang screenshot na isang “poser.”

“POSER ALERT!! Hindi po ito number ni Atty. Leni,” saad nito sa caption.

Samantala, patuloy ang pagtanggap ng mga donasyon ng Angat Buhay Foundation at Kaya Natin, na parehong tumutugon sa rescue mission, donation drive, at community pantry para sa mga apektado ng Bagyong Kristine.

Kate Garcia