January 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rendon kinalampag aspiring politicians: 'Tutulog-tulog kayo sa pansitan!'

Rendon kinalampag aspiring politicians: 'Tutulog-tulog kayo sa pansitan!'
Photo courtesy: Rosemarie Tan Pamulaklakin (FB)/Rendon Labador (FB)/Boss Toyo (FB)

"Ginising" ng social media personality at kilalang "benggador" na si Rendon Labador ang mga nagbabalak na tumakbo sa mga posisyon sa gobyerno na bilisan daw ang kilos ng pagtulong sa mga apektado ng bagyong Kristine, lalo na sa Bicol region, dahil naunahan pa raw sila ng mga kilalang social media personalities.

Ang binanggit na socmed personalities ni Rendon ay sina Rosmar Tan, na tumatakbong konsehal ng Maynila, at Boss Toyo na nasa likod ng YouTube channel na "Pinoy Pawnstars."

Bengga ni Rendon sa kaniyang Facebook post, "Buti pa si Rosmar at Boss Toyo mabilis ang action sa mga nasalanta ng bagyo. Mga aspiring politician natin diyan gising gising! Tutulog tulog kayo sa pansitan."

Dagdag pa niya, "Ngayon kayo mag pakitang gilas at ngayon kayo kailangan ng taumbayan. Hindi sapat ang pag luluto lang ng Pares at pagpapabillboard sa ganitong sitwasyon."

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa huling banat ni Rendon, tila pinariringgan daw niya ang social media influencer at paresan owner na si "Diwata" na kamakailan ay naghayag ng pagiging 4th nominee para sa "Vendors party-list" para sa 2025 midterm elections.

Matatandaang binanatan ni Rendon ang pagsali ni Diwata sa nabanggit na party-list.

MAKI-BALITA: Diwata, kuha inis ni Rendon sa paglilinis ng Manila Bay: 'Baka ikaw linisin namin!'

Samantala, si Rosmar naman ay nagpaliwanag sa isyu sa kaniyang "insensitive post" patungkol sa pananalasa ng bagyo at baha sa Bicol.

Aniya, hindi raw niya intensyong i-flex na komportable ang kalagayan niya habang binabaha at hinahambalos ng bagyo ang ilang mga lugar sa bansa, partikular sa Bicol na passable na raw.

Sa kabilang banda, ibinahagi ni Rosmar na gagawa siya ng paraan para makapagpaabot ng tulong sa mga nangangailangan.

MAKI-BALITA: Boss Toyo, nanawagang isabay ang 1k relief packs sa mga pupuntang Bicol

MAKI-BALITA: 'PRAY FOR BICOL!' Rosmar binaha ng okray, pero tutulong sa mga biktima ng bagyo

MAKI-BALITA: 'Di ko ibig ipagyabang na ang comfy namin ngayon!' Rosmar kambyo sa okray