November 22, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

New movie era: Vice Ganda, Vic Sotto 'magseseryoso' na sa pelikula

New movie era: Vice Ganda, Vic Sotto 'magseseryoso' na sa pelikula

Muling nagbabalik-eksena sa Metro Manila Film Festival sina Vice Ganda at Vic Sotto, na namahinga muna saglit sa pagkakaroon ng movie entries sa taunang festival sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

Sanay ang mga manonood na tuwing may MMFF, asahang may pelikula diyan sina Meme Vice at Bossing Vic, at usually, silang dalawa ang nagbabakbakan sa takilya.

Pero para sa MMFF2024, pareho silang nagbabalik na tila malayo sa mga kinasayan nilang comedy genre.

Bagama't kay Vice, hindi pa rin siyempre mawawala ang touch ng pagpapatawa, pero mukhang magpapaiyak naman siya ngayon sa "And The Breadwinner Is..." na produced ng ABS-CBN Studios, Star Cinema, at Idea's First sa direksyon ni Jun Robles Lana.

Pelikula

Pelikula nina Zanjoe, Daniel made-delay?

Mukhang dito na makikita ang acting prowess ni Vice na ginagawa na rin naman ng mga komedyante gaya nina Ai Ai Delas Alas, Pokwang, Eugene Domingo at iba pa; ang magpaluha at sumubok ng heavy drama.

Isa pang dapat abangan ay tila pagiging serious this time ni Bossing Vic sa "The Kingdom" na unang pagsasama nila ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, at mukhang kakaiba rin ang role niya rito, malayo sa mga fantasy-comedy genre na kadalasan niyang entry, gaya na lamang ng "Enteng Kabisote."

Well, bukod kina Vice Ganda at Vic ay naglalakihang artista rin ang mga tampok sa mga movie entries ng paparating na MMFF.

Naging matagumpay ang MMFF 2023 lalo na ang "Rewind" nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa ilalim ng Star Cinema, na itinuturing ngayong highest-grossing Filipino movies of all time.