Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Warning No. 2 sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Kristine ngayong Miyerkules, Oktubre 23.
Base 11:00 a.m weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay may layong 255km silangan ng Baler, Aurora at may tinataglay na lakas ng hangin na 85km/h hanggang 105km/h.
Kumikilos ang bagyo pa-north northwest sa bilis na 30km/h.
Samantala, nakataas ang signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Aurora
Nueva Ecija
Bulacan
Tarlac
Pampanga
Zambales
Bataan
Metro Manila
Cavite
Laguna
Rizal
Quezon kabilang Polillo Islands
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Northeastern portion ng Sorsogon
Signal no. 1:
Batanes
Batangas
Occidental Mindoro kabilang Lubang Islands
Oriental Mindoro
Marinduque
Romblon
Calamian Islands
Natitirang bahagi ng Sorsogon
Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
Aklan, Capiz, Antique, kabilang Caluya Islands, Iloilo, Guimaras
Northern Portion ng Negros Occidental
Northern at Central portion ng Cebu kabilang Bantayan Islands at Camotes Islands
Bohol
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Leyte
Biliran
Southern Leyte
Dinagat Islands
Surigao del Norte kabilang Siargao-Bucas Grande Group
Samantala, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Isabela mamayang gabi o bukas ng madaling araw, Oktubre 24.
Inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsbility (PAR) ang bagyo sa Biyernes, Oktubre 25.