December 23, 2024

Home BALITA

Mall sa Naga, 'di nakaligtas; apektado na rin ng bagyong 'Kristine'

Mall sa Naga, 'di nakaligtas; apektado na rin ng bagyong 'Kristine'
Photo Courtesy: Brigada News FM (FB)

Hindi na rin nakaligtas ang isang mall sa Naga mula sa malakas na ulang dala ng bagyong Kristine sa kapuluan.

Sa Facebook post ng SM City Naga nitong Miyerkules ng tanghali, Oktubre 23, sinabi nilang isasara muna nila ang nasabing establisyimento.

“For everyone’s safety, we are closing the mall today, October 23, 2024. We will work to address the situation so we can quickly open to serve the public,” saad ng SM City Naga.

Dagdag pa nila: “SM Cares has already launched its Operation Tulong Express in order to provide relief support to the City of Naga at this trying time.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bago pa man kasi ito ay kabilang sila sa mga mall sa Bicol region na nag-alok ng accomodation para sa mga naghahanap ng pansamantalang matutuluyan sa gitna ng bagyo. 

Samantala, narito naman ang iba pang mall na hanggang ngayon ay bukas at handang magpatuloy sa mga nangangailangan.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga mall sa Bicol na puwedeng matuluyan sa gitna ng bagyong 'Kristine'

Matatandaang batay sa 11:00 a.m weather bulletin ng PAGASA ay nananatili pa ring nakataas sa signal number 2 ang malaking bahagi ng Bicol Region.

MAKI-BALITA: Metro Manila, malaking bahagi ng Luzon, itinaas sa signal no. 2