Nanawagan si dating senador Atty. Leila De Lima na magkaisa at magtulungan para sa mga kababayang nasalanta ng bagyong “Kristine” sa Bicol region.
Sa X post ni De Lima nitong Miyerkules, Oktubre 23, inilatag niya ang mga detalye kung ano ang kailangan at paano maipapaabot ang mga kaukulang tulong sa mga Bikolanong nasalanta ng bagyo.
“Sa cash donations naman i-send ito sa mga sumusunod na GCash Account 09175338452 (Rowena Ignacio) at 09162997363 (Rowena Ignacio)” saad sa post.
Samantala, para naman daw sa mga relief goods at hygiene kits tulad ng pagkain, tubig, soap, sachet shampoo, toothbrush, at iba pang tulad nito ay maaaring i-drop off sa sumusunod na address: 446 AGS Building, EDSA, Guadalupe Viejo, Makati, NCR at makipag-ugnayan kay Jobelle Domingo sa pamamagitan ng numerong 09171150527.
“Salamat at aasahan ko po ang inyong tulong,” pahabol pa ni De Lima.
Iminungkahi rin ng dating senador na i-follow ang social media accounts ni dating Vice President Leni Robredo para sa iba pang partikular na lugar kung saan makapagbibigay ng tulong.
MAKI-BALITA: Angat Buhay, Kaya Natin nag-organisa ng donation drive
Matatandaang batay sa 11:00 a.m weather bulletin ng PAGASA ay nananatili pa ring nakataas sa signal number 2 ang malaking bahagi ng Bicol Region.
MAKI-BALITA: Metro Manila, malaking bahagi ng Luzon, itinaas sa signal no. 2