January 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Concern na may konting flex? Post ni Rosmar tungkol sa baha, bagyo inokray

Concern na may konting flex? Post ni Rosmar tungkol sa baha, bagyo inokray
Photo courtesy: Rosemarie Tan Pamulaklakin (FB)/Philippine Weather System/Pacific Storm Update (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang Facebook post ng social media personality, negosyante, at tunatakbong konsehal sa Maynila na si Rosemarie "Rosmar" Tan-Pamulaklakin, matapos niyang mag-post patungkol sa nangyayaring pagbaha dulot ng bagyong Kristine, lalong-lalo na sa Bicol region.

Aniya kasi, habang natutulog daw siya sa malambot na kama at malamig ang temperatura dahil sa aircon ay may mga tao namang hindi malaman kung paano ililigtas ang sarili mula sa baha.

"ang hirap isipin na habang kami naka higa sa malambot na kama, kagigising lang at naka aircon, ang daming bata, matanda na di na alam paano ililigtas sarili sa Bicol dahil sa baha at bagyo," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Rosemarie Tan Pamulaklakin/FB

Bagama't walang ibig sabihin para kay Rosmar ang kaniyang post ay umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

May mga nagsabing sana raw ay magpaabot ng tulong si Rosmar, tutal ay kilala naman siya sa pagtulong. May mga nagsabi ring dapat daw ay hindi na i-flex ni Rosmar kung anuman ang kinalalagyan niya ngayon dahil puwedeng "insensitive" ito sa panahon ngayon ng kalamidad.

"Sana all nakahiga sa malambot na kama, kagigising lang at naka aircon"

"Kaya bhe ang pagtakbo sa Pulitika dapat eh yung marunong gumawa ng batas at hindi lang basta naging star section pilot A kineso haaaa"

"Uhhmm edi sana all na lang sila sayo, ganon?"

"Pakidonate nalang po ng kama at aircon sa nangangailangan.. para Hindi na kayu mahirapan magisip.. jusko naman.. sinimplehan mo nalang sana.. praying for safety sa lahat.. ganern anteh.. kuha mo gigil namin.. .. masabihan nga ang bagyo sa bahay mo maglandfall.. tsk tsk"

"Pwede naman kasi iset-aside ang yabang. Konsensya at awa na lang muna para sa kapwa ang pinairal. Hindi pa rin talaga nakatiis na iangat ang sarili sa iba."

"Ang hirap din isipin na nasasabi mo yan,habang hindi ka nag iisip! awit bebe."

"Dito tayo sa maawain pero hindi makakalimutan ang mag-flex."

Ilang page din ang gumawa ng meme para sa kaniya, gaya ng "FTTM o Follow The Trend Movement" sa pamamagitan ng pag-edit sa post ni Rosmar.

"inayos na namin para sa ‘yo madam," anila.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Rosmar tungkol sa mga okray na natanggap niya mula sa netizens.

KAUGNAY NA BALITA: Rosmar, tatakbong konsehal sa Maynila: 'May nag-push po sa akin...'