December 26, 2024

Home BALITA

Ahas na mas makamandag daw sa cobra, namataan sa baha sa CamSur

Ahas na mas makamandag daw sa cobra, namataan sa baha sa CamSur
Photo courtesy: Screenshot from Roselyn Sarmiento Clores/Facebook

Nabulabog ang ilang residenteng stranded sa Caramoan, Camarines Sur, dahil sa umano’y namataang ahas na umaaligid sa baha ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Sa kuha ng uploader na si Roselyn Sarmiento Clores noong Martes, Oktubre 22, 2024, patulog na aniya ang kanilang pamilya, nang maispatan nila ang isang ahas tapat ng kanilang bahay, na nagpapalutang-lutang daw sa baha.

Sa ulat ng 91.5 Brigada News FM Legazpi City, ang namataang ahas nina Clores, ay isa umanong Chinese Sea Krait. Ang naturang ahas ay sampung beses umanong mas makamandag kaysa cobra. Mas maigi umanong huwag itong lapitan at nangangailangan din daw na maipagbigay alam sa mga awtoridad.

Ayon naman sa opisyal na website ng Aquarium of the Pacific, bagama’t makamandag, kalimitan daw na hindi agresibo ang mga ahas na katulad ng sea krait.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Samantala, hindi naman nailahad ni Clores ang nangyari sa nasabing ahas na umaaligid sa kanilang tahanan.

Kate Garcia