Inaasahan na ang pagdalo ni Pastor Apollo Quiboloy sa pagdinig ng Senado bukas ng Miyerkules, Oktubre 23, matapos itong payagan ng korte ng Pasig City.
Base sa sulat ng Pasig court na ibinahagi ni Sanador Risa Hontiveros nitong Martes, Oktubre 22, pinapayagan si Quiboloy na dumalo sa pagdinig ng komite na magsisimula dakong 10:00 ng umaga sa Miyerkules.
“The letter-request to allow the appearance of the accused before the public hearing of the Senate committee on women, children, family relations and gender equality on October 23, 2024 at 10:00 a.m. is hereby granted,” nakasaad sa sulat ng korte.
Kasama rin sa mga pinayagang dumalo sa pagdinig ang umano’y mga kapwa-akusado ni Quiboloy na sina Jackielyn Wong Roy, Cresente Chavez Canada alias Enteng, Ingrid Chavez Canada, Paulene Chavez Canada, at Sylvia Calija Cemanes.
Kasalukuyang nakaditine sa Pasig City Jail si Quiboloy na nahaharap sa mga kasong tulad ng human trafficking, child abuse, rape, and other criminal cases.
Samantala, matatandaang naghain kamakailan si Quiboloy ng kaniyang kandidatura sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections, kung saan kasama siya sa inisyal na listahan ng Commission on Elections (Comelec).
MAKI-BALITA: Mula WPP: Apollo Quiboloy, nais nang tumakbong senador bilang ‘independent’