Ipapalabas na ang investigative docu-film na “Lost Sabungeros” sa ilalim ng QCinema International Film Festival sa darating na Nobyembre.
Sa isang Facebook post ng QCinema nitong Martes, Oktubre 10, kabilang ang “Lost Sabungeros” sa ilulunsad nilang special screenings.
“The Special Screenings section includes An Errand by Dominic Baekart, If My Lover Were a Flower by Kaung Zan, A Thousand Forests by Hanz Florentino, and Lost Sabungeros by Bryan Brazil,” saad ng QCinema.
Dagdag pa nila: “Each film presents a distinct narrative, adding depth and variety to the festival’s rich program.”
Matatandaang nakatakda sana itong ipalabas sa Cinemalaya 2024 noong Agosto ngunit kinansela ito dahil umano sa "security concerns."
MAKI-BALITA: GMA Producer sa kanselasyon ng screening ng 'Lost Sabungeros' sa Cinemalaya: 'Hindi na malaya'
Bukod sa isa sa mga producer nito, nagbigay din ng pahayag ang Director Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) dahil sa intimidation tactics umanong ginagamit upang sikilin ang boses ng mga manlilikha ng pelikula.
MAKI-BALITA: DGPI, nagsalita tungkol sa kanselasyon ng 'Lost Sabungeros' sa Cinemalaya 2024