November 22, 2024

Home BALITA

Kadeteng hiningi ang relo ni PBBM, naparusahan—AFP

Kadeteng hiningi ang relo ni PBBM, naparusahan—AFP
Photo courtesy: Inday Sara Duterte (FB)/Manila Bulletin

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na totoo ang naging kuwento ni Vice President Sara Duterte na may isang kadete ang nagbiro kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na kung puwedeng mahingi na lamang ang suot nitong relo, nang dumalo ang pangulo sa graduation ceremony sa Philippine Military Academy (PMA) noong Mayo.

Sa video ng pagtatapos, makikitang habang iniaabot ni PBBM ang diploma sa kadete ay tila may sinabi ito sa pangulo.

Batay naman sa kuwento ni VP Sara sa naganap na press conference niya kamakailan, sinabi niyang siya ang nasaktan para sa nabanggit na kadete. Hindi naman niya maibigay ang sariling relo dahil relo lamang daw ito ng bise presidente at hindi ng presidente, na siyang hinihingi nito.

"Sabi nung graduate, 'Mr. President can I have your watch as a graduation gift? Ang sagot niya, 'Why, why would I give you my watch?'" kuwento ni Duterte.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"At that point maysakit na ako gusto kong tanggalin yung ulo niya. It did not help na itong dalawang katabi ko tumawa pa. Pinagtawanan pa nila yung bata," saad pa ni Duterte.

MAKI-BALITA: VP Sara, gustong pugutan ng ulo si PBBM dahil sa napahiyang estudyante

Samantala, ayon sa ulat ng GMA Integrated News, sa pahayag ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, sinabi niyang ang ginawang aksiyon ng kadete ay hindi katanggap-tanggap.

"It's actually an isolated case that does not reflect the overall culture and training of the academy. Ito, ang nangyari dito, it was in a moment of euphoria. He was facing the President and he made a mistake. This behavior is neither common nor acceptable," aniya.

Nagkaroon na raw ng parusa ang kadete na naitalaga sa Philippine Air Force. Iginiit ni Padilla na hindi naman daw na-dismiss ang nabanggit na kadete.

Matatandaang sa graduation ng PMA noong 2019, isang kadete ang humingi naman sa relo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at ibinigay naman niya ito.