December 23, 2024

Home BALITA National

De Lima, dumalo sa ‘drug war’ hearing; hiniling paggaling ni FPRRD

De Lima, dumalo sa ‘drug war’ hearing; hiniling paggaling ni FPRRD
Dating Senador Leila de Lima at dating Pangulong Rodrigo Duterte (House of Representatives/YouTube screengrab; MB file photo)

Hiniling ni dating Senador Leila de Lima na gumaling na si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang makadalo na rin daw ito sa pagdinig ng House Quad Committee hinggil sa madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

Nitong Martes, Oktubre 22, dumating si De Lima sa Kamara upang magsilbing resource person sa pagdinig ng Quad Committee hinggil sa umano’y extrajudicial killings (EJKs) ng war on drugs.

Inimbitahan din si Duterte na dumalo sa nasabing pagdinig ngunit base sa sulat ng kaniyang counsel na si Martin Delgra III nitong Lunes, Oktubre 21, hindi siya makakadalo dahil masama umano ang kaniyang pakiramdam.

“Considering his advanced age and the several engagements he had to attend, he is currently not feeling well and is in need of much rest,” nakasaad sa sulat ng kampo ng dating pangulo kay Quad Committee Co-chair Rep. Ace Barbers.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, inimbitahan na ng House Quad Comm hinggil sa pagdinig sa drug war

Kaugnay nito, nagbigay naman ng mensahe si De Lima kay Duterte, at sinabing sana raw ay gumaling na ito para harapin ang pagdinig hinggil sa drug war.

"Sana kay Ginoong Duterte, sana gumaling na kayo, magpagaling na kayo, para mayroon kang lakas na harapin ang lahat," saad ni De Lima.

Matatandaang nagsampa ang administrasyong Duterte ng tatlong drug-related charges laban kay De Lima, na naging hayagang kritiko ng nangyaring war on drugs sa bansa. 

Matapos ang mahigit anim na taong pagkakapiit ay napawalang-sala rin ang dating senador sa naturang tatlong kaso.

MAKI-BALITA: Leila de Lima, pinawalang-sala sa huling drug case

Noon lamang namang Hunyo ng taong ito nang ihayag ni human rights lawyer Chel Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyong Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno