Itinaas na sa Signal No. 2 ang lalawigan ng Catanduanes habang mas dumami pa ang mga lugar sa bansa na itinaas sa Signal No. 1 dahil sa Tropical Storm Kristine na napanatili ang lakas habang kumikilos sa Philippine Sea sa silangan ng Bicol Region, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga nitong Martes, Oktubre 22.
Sa update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Kristine 335 kilometro ang layo sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas sa Signal No. 2 ang buong lalawigan ng Catanduanes.
Nakataas naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
LUZON
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Apayao
Kalinga
Abra
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Aurora
Nueva Ecija
Tarlac
Zambales
Bataan
Pampanga
Bulacan
Metro Manila
Cavite
Laguna
Batangas
Rizal
Quezon kabilang na ang Polillo Islands
Masbate kabilang na ang Ticao Island
Burias Island
Marinduque
Romblon
Camarines Norte
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
VISAYAS
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Leyte
Biliran
Southern Leyte
MINDANAO
Dinagat Islands
Surigao del Norte kabilang na ang Siargao - Bucas Grande Group
Ayon sa PAGASA, inaasahang unti-unting lalakas pa ang bagyo at itataas sa “severe tropical storm” category bago ito mag-landfall. Bahagya naman daw itong hihina habang tatawid sa Northern Luzon.
Posible ring itaas ang bagyo sa “typhoon” category pagdating sa West Philippine Sea (WPS) bago ito lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) region sa Biyernes, Oktubre 25.