November 24, 2024

Home BALITA National

Buhay man o patay dapat respetuhin--Abalos

Buhay man o patay dapat respetuhin--Abalos
(FILE PHOTO)

Nagbigay-pahayag si dating DILG Secretary at senatorial aspirant Benhur Abalos tungkol sa banta umano ni Vice President Sara Duterte na itatapon niya ang bangkay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa West Philippine Sea (WPS).

Matatandaang isiniwalat ni Duterte noong Biyernes, Oktubre 18, na sinabihan niya si Senador Imee Marcos na itatapon niya ang katawan ng ama nito sa WPS "kapag hindi pa sila tumigil."

BASAHIN: VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa West Philippine Sea

Ssa isang Facebook post nitong Lunes, Oktubre 21, sinabi ni Abalos na dapat pa ring magbigay-respeto sa buhay man o sa patay.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

"Ang sa akin lang, dapat magbigay tayo ng respeto. Maaaring may mga hindi tayo pinagkakasunduan o hindi pagkakaunawaan, pero sana ay respetuhin natin, buhay man o patay," aniya.

Kaugnay nito, iginiit ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla na labag sa revised penal code ang naging pagbabanta ni Duterte.

BASAHIN: Banta ni VP Sara na itatapon mga labi ni Marcos Sr. sa WPS, labag sa batas – Remulla

Para naman kay Senate President Chiz Escudero, sana raw ay maging mapanuri ang bise presidente sa mga salitang bibitawan.

BASAHIN: SP Chiz kay VP Sara: ‘Sana mas maging maingat sa mga salitang bibitawan’