January 22, 2025

Home BALITA Metro

Baggage handling system sa NAIA 3, bumigay; nagdulot ng aberya sa mga pasahero

Baggage handling system sa NAIA 3, bumigay; nagdulot ng aberya sa mga pasahero
Photo Courtesy: via MB

Daan-daang pasahero ang nakaranas ng aberya dahil sa bumigay na baggage handling system sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Martes, Oktubre 22.

Sa huling Facebook post ng Cebu Pacific nitong Martes ng tanghali, Oktubre 22, inaksyunan na nila ang problema sa nasabing terminal kasama ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC).

“CEB has established a dedicated team to manage the situation. Passengers were given the choice of having their bags delivered to their destination or picking them up at the airport for domestic flights,” saad nila.

“For international flights, a similar option was available along with delivery services for passengers with onward destinations,” anila.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Dagdag pa nila: “Our teams are doing everything in their power to expedite baggage deliveries and ensure all affected passengers are assisted promptly.”

Sa huli, sinabi ng Cebu Pacific na naunawaan daw nila ang abalang idinulot nito sa mga pasahero kaya naman ma-appreciate nila ang pasensya at pag-unawa ng mga ito sa nangyari.

Samantala, wala namang inilabas na pahayag ang iba pang airlines gaya ng AirAsia at Philippine Airlines kaugnay nito.