January 22, 2025

Home BALITA

Sino-sino ang bagong 14 na santong kinilala ng Santo Papa sa iba’t ibang panig ng mundo?

Sino-sino ang bagong 14 na santong kinilala ng Santo Papa sa iba’t ibang panig ng mundo?
Photo courtesy: National Catholic Register/website

Pinangalanan ni Pope Francis ang panibagong 14 na santo na siya umanong kikilalanin din ng lahat ng simbahang katoliko sa buong mundo.

Sa kaniyang misa sa St. Peter’s Square noong Linggo, Oktubre 20, 2024, pinangunahan ng Santo Papa ang pag-canonize sa nasabing 14 na mga santo, kabilang na aniya ang tinatawag na “Martyrs of Damascus.”

“They made themselves servants of their brothers and sisters, creative in doing good, steadfast in difficulties, and generous to the end,” ani Santo Papa.

Ayon sa Catholic News Agency halos taon-taon ay pinapangalanan si Pope Francis na mga bagong santo. Kaya naman matapos ang pinakabagong canonization na kaniyang isinagawa at dinaluhan ng libong deboto, narito ang 14 na mga santong nakatakdang kilalanin ng simbahang katoliko:

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

St. Giuseppe Allamano, isang diocesan priest mula sa Italya na nagtatag ng isang Consolata missionary orders.

St. Marie-Leonie Paradis, isang madreng Canadian na nagtatag ng isang missionary order para sa mga pari.

St. Elena Guerra, kilala rin bilang "Apostle of the Holy Spirit”

St. Manuel Ruiz Lopez at ang pitong Franciscanong kasama niya sa Damascus noong 1860 na namatay dahil hindi raw nila itinatwa ang Kristiyanong paniniwala

Padre Lopez at ang iba pang mga paring sina: Father Carmelo Bolta, Nicanor Ascanio, Nicolas Alberca, Pedro Soler, Kolland at dalawang misyonaryong sina Brother Francisco Pinazo at Juan Fernandez

Magkakapatid na Massabaki na sina St. Francis, St. Mooti at St. Raphael, na magkakasamang pinatay sa loob ng isang monasteryo sa Damascus matapos ding tumangging isuko ang kanilang Kristiyanong pananampalataya, taliwas sa utos ng imperyo ng Ottoman

Ayon sa ulat ng isang international news outlet, tinatayang nasa 912 ng mga santo ang na-canonize na ni Pope Francis magmula ng siya ay mailuklok na Santo Papa noong Marso 2013.

Kate Garcia