“At least the Vice President is truthful enough and honest enough…”
Pinagtanggol ni Senador Bato dela Rosa si Vice President Sara Duterte na naglabas kamakailan ng magkakasunod na patutsada laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Matatandaang sa isang press conference noong Biyernes, Oktubre 19, tahasang sinabi ni Duterte na gusto niyang pugutan ng ulo si Marcos dahil daw sa napahiyang estudyante noong dumalo sila sa isang graduation ceremony.
MAKI-BALITA: VP Sara, gustong pugutan ng ulo si PBBM dahil sa napahiyang estudyante
Bukod dito, isiniwalat din ng bise presidente na sinabihan umano niya si Senador Imee Marcos na itatapon niya ang katawan ng ama nilang si dating Pangulong Marcos Sr. sa West Philippine Sea (WPS).
MAKI-BALITA: VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa WPS
Iginiit din ni Duterte na hindi umano marunong maging presidente si Marcos, at mayroon daw siyang listahan ng limang “impeachable offenses” nito.
MAKI-BALITA: ‘1 out of 10 ang rating!’ PBBM, ‘di marunong maging presidente — VP Sara
MAKI-BALITA: VP Sara, may listahan daw ng ‘5 impeachable offenses’ ni PBBM
Sa panayam naman ng DWIZ nitong Sabado, Oktubre 19, sinabi ni Dela Rosa na naging tapat lamang umano si Duterte at prangka hinggil sa kaniyang saloobin.
"Nasa tao na 'yan kung paano nila tinitingnan 'yung sinabi ng Pangalawang Pangulo, kung ano 'yung masasabi nila tungkol doon. Basta, at least the Vice President is truthful enough and honest enough to say something na nasa loob niya,” giit ni Dela Rosa.
“Hindi siya plastik na tao. Kilala natin 'yan, na prangka na tao 'yan. Hindi plastik 'yan. Hindi ‘yan ‘yung political pogi," giit ni Dela Rosa.
Iginiit din ng senador na kilalang kaalyado ng mga Duterte na hindi umano “political pogi” ang bise presidente at sinasabi nito ang kaniyang mga nasa isip.
"Nanununtok nga ‘yan kapag—Kapag nagalit ‘yan nanununtok nga 'yan eh. 'Yan pa, magsasabi pa ng katotohanan ng saloobin niya?" hirit pa ni Dela Rosa.