Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang larawan ng third-largest moon sa solar system na “Callisto,” na halos kasinlaki raw ng planetang Mercury.
Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na unang naispatan si Callisto na nago-orbit sa Jupiter noong 1610.
Nadiskubre raw ng astronomer na si Galileo Galilei ang nasabing buwan.
Kaugnay nito, ipinadala ng NASA ang kanilang spacecraft na pinangalanang “Galileo”, kung saan nag-orbit ito sa Jupiter mula 1995 hanggang 2003 upang pag-aralan ang mga buwan doon, tulad ng Callisto.
“Callisto has been pummeled by comets and asteroids for 4 billion years, shaping its rocky, icy surface,” anang NASA.
Pinaniniwalaan ng mga scientist na mayroong napakalawak na karagatan sa ilalim ng Callisto.
“Galileo captured the image of Callisto in May 2001, two years before the spacecraft ended its mission with a dramatic plunge into Jupiter's crushing atmosphere,” saad ng NASA.
“The moon of Callisto [is] a spherical, mottled ball, as seen from space. Its dark, brownish surface is covered with craters of various sizes and white marks, which are thought to be crater peaks capped with ice. The background of the photo is completely black,” dagdag pa nito.