January 22, 2025

Home BALITA

Kiko Pangilinan, nanawagang imbestigahan ang ticket scalping sa bansa

Kiko Pangilinan, nanawagang imbestigahan ang ticket scalping sa bansa
Photo courtesy: Manila Bulletin

Ipinanawagan ni senatorial aspirant Kiko Pangilinan na imbestigahan at isulong din daw ang batas sa tungkol sa lumalaganap na scalpers, partikular na sa bentahan ng concert tickets.

Sa isang X post nitong Lunes, Oktubre 21, 2024, sinimulan ni Pangilinan ang naturang panawagan na kaniyang iniugnay na nalalapit umanong concert ng 2NE1.

“Nanawagan tayo na imbestigahan ang mga scalper sa nalalapit na concert ng KPop girl group na 2NE1,” ani Pangilinan.

Saad pa ni Pangilinan, maraming Pinoy concert-goers na raw ang nabubudol ng mga scalpers, lalo pa’t digital na rin daw ang transaksyon nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Maraming Pinoy concert-goers ang binubudol ng mga scalpers… At dahil digital na rin ang pagbili ng tickets, kailangan na ring imbistigahan pati ang mga bot scalpers,” dagdag pa ni Pangilinan.

Kaugnay nito, iginiit ni Pangilinan na nais niya raw imungkahi ang pagsasabatas na maparusahan ang scalping.

“Ang ating iminumungkahing batas ay lilikha ng isang mas patas at mas bukas na merkado. Sa ganitong paraan, mapoprotektahan ang mga mamimili mula sa pagsasamantala.”

Nais din umano ni Pangilinan na matutukan daw ang paggamit ng “bot” na bumibilihi ng bultuhang tickets at siyang nakakaagrabyado sa mga ordinaryong mamimili.

“Kasama na rito ang alituntunin sa paggamit ng mga bot na bumibili ng mga tiket nang maramihan kung saan naaagrabyado ang mga ordinaryong mamimili,” saad pa ni Pangilinan.

Sa kasalukuyan, wala pang batas na sumasaklaw scalping maliban sa nakabimbing House Bill No. 8694 noong 17th Congress na naglalayon sanang magbawal sa kahit na anong hindi awtorisadong transaksyon ng bawat ticket selling.

Kate Garcia