October 21, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Jona bumirit sa ASAP na puro 'Hmm-Hmm' at 'Eh-Eh' sa lyrics, umani ng reaksiyon

Jona bumirit sa ASAP na puro 'Hmm-Hmm' at 'Eh-Eh' sa lyrics, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live (YouTube)/Jona (X)

Usap-usapan ang pagpapamalas ng singing prowess ng tinaguriang "Fearless Diva" na si Jona sa musical noontime show na "ASAP."

Paano ba naman kasi, wala raw narinig sa kaniyang kinanta kundi "Hmm-Hmm" at "Ehh-Ehh."

Ganoon pa man, napull-off pa rin naman ito ni Jona, at usap-usapan pa nga ang video ng face reaction dito ng kapwa ASAP singers na sina Klarisse De Guzman at Morrissette Amon.

Ipinakita pa ni Jona ang kopya ng lyrics bilang "resibo."

Musika at Kanta

'Who is BBGIRL?' Anthony Jennings, maglalabas ng bagong kanta

"Heto na naman po tayo @asapofficial," caption ni Jona sa kaniyang X post

Inulan naman ng papuri ang Kapamilya singer dahil sa wala raw kakupas-kupas na husay niya pagdating sa mga ganitong uri ng kanta.

Nagsimula ang showbiz career ni Jona nang manalo bilang grand winner sa "Pinoy Pop Superstar" sa GMA Network.

Simula noon ay naging bahagi na siya ng Sunday musical noontime show ng Kapuso Network magmula sa SOP, Party Pilipinas, Sunday All-Star, bago siya tuluyang lumundag sa ABS-CBN noong Pebrero 2016.