December 22, 2024

Home SHOWBIZ Events

JK Labajo, mapapaput*ng-ina sa darating na concert: 'Dapat sabayan ako ng crowd'

JK Labajo, mapapaput*ng-ina sa darating na concert: 'Dapat sabayan ako ng crowd'
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT), Juan Karlos (FB)

Nausisa ang Kapamilya singer-actor na si JK Labajo tungkol sa kaniyang major solo concert sa Nobyembre 19 na pinamagatang “Juan Karlos Live.”

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, tila maririnig ng fans ang mas malutong na mura niya mula sa lyrics ng kaniyang kantang “Ere.”

“Dito ba sa concert mapapaput*ng-ina ka?” tanong ni showbiz insider Ogie Diaz.

“Kahit nga hindi sa concert mapapaput*ng-ina ako,” natatawang sagot ni JK. “Pero definitely sa concert.”

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

“Pero iba pa rin magmura sa arena. Mas masarap siya na feeling. And dapat sabayan ako ng crowd,” dugtong pa niya.

Gayunman, nilinaw ni JK na maaari naman daw siyang mag-adjust kung sakaling may mag-request na fan na huwag siyang magmura lalo na kung may manonood na bata.

“I’m not sure lang about sa age bracket as well. Kasi it’s not just the show and itself. The arena has its own set of rules as well. And then ‘yong oras din ng show,” aniya.

Dagdag pa ng Kapamilya singer-actor, “Maraming aspect na involve, e. It’s not necessarily just about the fact na may song ako na may mura. But definitely naman if so happens na everybody allows underage like people below 18 tapos 12…then we will adjust accordingly.”

Matatandaang sa isang press conference na ginanap kamakailan ay binigyang-pugay ni JK ang lola niyang nagpalaki at sumuporta sa kaniya mula noon hanggang ngayon.

MAKI-BALITA: Juan Karlos, inaalay ang tagumpay sa kaniyang lola

Speaking of age bracket, minsan nang may dumalong magulang na may bitbit na two-month old baby sa isang event sa Tarlac kung saan nag-perform si JK noong Marso. Hinangaan pa nga siya ng mga netizen dahil sa ipinakita niyang concern sa nasabing baby.

MAKI-BALITA: 'Pampatulog daw ang Ere!' JK pinusuan matapos magpakita ng concern sa baby