Itinaas na sa Signal No. 1 ang 15 lugar sa bansa dahil sa bagyong Kristine, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga nitong Lunes, Oktubre 21.
Sa bagong update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Tropical Depression Kristine 870 kilometro ang layo sa silangan ng Eastern Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-west southwest sa bilis na 30 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
LUZON
- Catanduanes
- Masbate kabilang na ang Ticao Island at Burias Island
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Camarines Norte
- Eastern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres)
VISAYAS
- Eastern Samar
- Northern Samar
- Samar
- Leyte
- Biliran
- Southern Leyte
MINDANAO
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte kabilang na ang Siargao - Bucas Grande Group
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas ang bagyo at itatataas sa “tropical storm” category sa susunod na 12 oras.
Posible rin itong lalakas itaas pa sa “severe tropical storm” category sa Miyerkules, Oktubre 23, at sa “typhoon” category pagsapit ng Huwebes ng gabi, Oktubre 24, o BIyernes, Oktubre 25, bago ito mag-landfall sa northeastern portion ng Cagayan.