November 28, 2024

Home BALITA National

‘Unbecoming sa VP!’ SP Chiz, nag-react sa mga patutsada ni VP Sara kay PBBM

‘Unbecoming sa VP!’ SP Chiz, nag-react sa mga patutsada ni VP Sara kay PBBM
SP Chiz Escudero at VP Sara Duterte (Facebook; Santi San Juan/MB)

“Unbecoming para sa akin ‘yung mga ganiyang uri ng pahayag…”

Nag-react si Senate President Chiz Escudero sa naging mga patutsada ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., partikular na ang sinabi ng bise presidente na itatapon niya ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa West Philippine Sea (WPS).

Matatandaang sa isang press conference nitong Biyernes, Oktubre 19, isiniwalat ni Duterte na sinabihan umano niya si Senador Imee Marcos na itatapon niya ang katawan ng ama nilang si dating Pangulong Marcos Sr. sa WPS.

MAKI-BALITA: VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa West Philippine Sea

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Kaugnay nito, sa panayam ng DWIZ nitong Sabado, Oktubre 19, sinabi ni Escudero na hangga’t maaari ay ayaw na raw niyang patulan o magkomento sa nasabing mga binitawang salita ni Duterte dahil “unbecoming” daw ito para sa isang bise presidente.

“Unbecoming para sa akin ‘yung mga ganiyang uri ng pahayag lalo na sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng ating bansa,” ani Escudero.

“At para patulan ko pa at ng iba pa, eh baka mas binibigyan pa natin ng kahalagahan ‘yung ika nga pagreklamo, pagbitiw ng mga salitang maanghang na hindi angkop sa kaniyang opisina, at hindi maka-Pilipinong mga salita,” dagdag niya.

Ayon pa sa senate presidente, hindi bagay na sinasabi sa telebisyon at lalo na sa harap ng mga bata ang mga binitiwang salita ng bise presidente sa nasabing press conference kaya’t dapat daw na maging maingat ito.

“Sana maging mas mapanuri siya, at sana maging mas maingat sa mga salitang bibitiwan. Bahagi marahil ang paglalabas ng sama ng loob sa buhay ng tao pero hindi siguro rason at lisensya ‘yun na buksan ang paggamit ng mga salita na napapakinggan ng bata man o matanda,” saad ni Escudero.

Samantala, sinabi rin naman ng pangulo ng Senado na hindi na raw responsibilidad nina Pangulong Bongbong at Senador Imee ang pagsagot sa naging pahayag ni Duterte hinggil sa kanilang ama.

“Desisyon nina Pangulong Marcos o Senator Marcos kung sila’y sasagot o hindi, kung sila’y papatol o hindi, kung sila’y bababa sa lebel o hindi. Personal na desisyon nila ‘yan,” saad ni Escudero.

“Ang dapat sigurong magpaliwanag kung bakit niya nasambit ‘yan ay si Vice President at hindi ‘yung may kamag-anak doon sa huhukayin ang bangkay,” saad pa niya.