December 22, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Pilipinang dating nakatira sa bahay-kubo, Walt Disney Legacy awardee na ngayon

Pilipinang dating nakatira sa bahay-kubo, Walt Disney Legacy awardee na ngayon
Photo Courtesy: Screenshots from Toni Gonzaga (YT)

Tampok ang kauna-unahang Filipino vocalist na nakatanggap ng The Walt Disney Legacy Award sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Oktubre 20.

Sa latest episode ng nasabing vlog, ikinuwento ni Raki Vega ang kaniyang humble beginnings sa Mandaue, Cebu bago niya narating ang tugatog ng tagumpay sa ibang bansa.

“Masasabi ko pong simple lang ang buhay namin back in the day. I grew up in Mandaue City, Cebu tapos we lived po in a nipa hut…for 12 years. Totoong bahay-kubo po talaga. Tapos ‘pag bumabagyo ‘yong attic namin lumilipad,” lahad ni Raki.

“We may not grow up with fancy stuff po but I believe that we had everything. We had a home filled with love, with laughter and music. Tapos masasabi ko, those were the best years of my life, ‘yong 12 years na ‘yon,” wika niya.

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

Dagdag pa ng Cebuana singer: “Kasi it built my character and it made me appreciate life. I know what matters most. Saka grateful ako kasi hindi ako pinabayaan ng parents namin ng kapatid ko.”

Maliban dito, naibahagi rin ni Raki na may mga panahon daw na toyo lang ang nagsisilbi nilang ulam dahil malayo raw ang pinagtatrabahuhan ng kaniyang tatay.

“Kasi at that time si Papa malayo ‘yong work niya. Kasi nga landscaper po siya. So kahit saan po siya pumupunta just to earn a living po. Tapos si Mama po ‘yong full-time devoted housewife po sa amin,” aniya.

Kaya naman hindi nakapagtataka na ang nanay niya ang nagturo sa kaniyang kumanta noong bata pa lamang siya.

“To her, she’s a frustrated singer. But to us, she is everything. She’s the mentor, she’s the teacher,” saad ni Raki.

Ang The Walt Disney Legacy Award ay iginawad kay Raki noong 2023 bilang pagkilala sa naging kontribusyon niya sa Disney. 

Ito ay isang global recognition program na ibinibigay para sa mga mahuhusay na cast, crew, imagineers at employees ng kompanya.

Pero bago pa man ginawaran ng nasabing award sa Hong Kong, nauna nang nanalo si Raki sa reality singing competition na “Born Diva” noong 2004.

Matapos manalo ay sinubukan din daw niyang pasukin ang showbiz industry. In fact, pumirma pa siya ng kontrata sa Star Records at binigyan ng album. Naka-duet pa niya si Kapuso singer-actor Christian Bautista. 

Siya rin ang kumanta sa theme song ng teleseryeng “Lobo” kasama si  Kapamilya singer Martin Nievera.