Anong klaseng manok nga ba ang mayroon si Cano Gwapo?
Isang karangalan ang nasungkit ng lalawigan ng Negros Occidental noong Sabado, Oktubre 19, 2024, matapos kilalanin ng Guinness World of Records ang tila isang espesyal gusali roon.
Ang nasabing gusali kasi ay hitsurang manok na nasa Campuestohan Highland Resort in Barangay Cabatangan, Talisay City, Negros Occidental, na kinikilala rin bilang bagong tourism icon sa lalawigan.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, ang nasabing higanteng gusaling manok ay pagmamay-ari ng negosyante at dating konsehal ng Bacolod na si Ricardo “Cano" Tan.
Binubuo ng anim na palapag ang Manok ni Cano Gwapo na may taas na 115 feet at may kabuuang 125 steps.
Ayon kay Tan, hinango niya raw ang disenyo ng gusali sa mayabong na industriya ng sabungan sa lugar.
“Why did I adopt the rooster design? My answer is very simple. Our fighting cock industry is second to sugar. When the sugar industry slumped and threatened our livelihood, it was the fighting cock industry that rose above the challenge,” saad ni Tan sa panayam sa media.
Hunyo noong 2023 nang magsimula raw ang konstruksyon sa gusali, at tuluyang natapos noong Setyembre 2024.
Kate Garcia