Halo-halo ang reaksiyon ng mga manonood sa bagong pelikulang “Outside” na ipinalabas sa Netflix nitong Oktubre 17.
Ang Outside, ang kauna-unahang original zombie film ng Netflix Philippines, ay nasa direksyon ni Carlo Ledesma at pinagbibidahan niSid Lucero. Kasama niya rin dito sina Beauty Gonzalez, Marco Masa, at iba pa.
Ilang mga netizen ang nagbigay ng positibong reaksiyon at komento sa nabanggit na pelikula. Pinuri nila ang magandang cinematography, pag-arte ng mga artista at ang pagiging kakaiba nito sa mga ibang zombie films na nakasentro sa pagkaubos ng tao dahil sa nakahahawang virus.
It's is a Psychological Thriller movie, yan ang genre ng movie na to, kaya di naka focus sa survival nila sa zombies... It's about mental health, how to overcome trauma. Mag base po sa genre bago mag rate”
“in all fairness maganda to, maiba naman kwento hindi yung puro san nag mula yung zombie”
“Brilliant movie with so many layers. Not for those with short attention span, poor comprehension, and those who fail to understand that great zombie shows are really more about the living and less of the animated dead.”
“It's not just a brainrot boring Zombie movie. It's a nuanced psychological thriller that tackles generational traumas, abuse, power dynamics, and more. It's one of a kind!”
“The acting is superb”
Sa kabilang banda naman, marami rin ang nagpaulan ng mala-zombie na komento at okray sa nabanggit na pelikula, na anila ay parang panteleserye o family drama na hinaluan lang ng zombie-theme ang nabanggit na pelikula.
"Sayang oras. 20% Zombie 80% Family Problem. Dapat title nito "Inside", since lagi naman sila nasa loob ng bahay”
“Boring , maganda lang sa trailer 3/10”
“I’m never watching a zombie movie. What’s this crap?”
“Sana nag usap nalang sila sa isa kwarto. hahaha problema lang pala ng pamilya nila ang mapapanood mo akala ko mala world war z na or the walking d3ad”
“Highly recommended pampa-antok.”
Samantala, patuloy na mapapanood ang pelikula sa Netflix.