November 22, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Kilalanin si Ceejay Faala, estudyanteng imbentor ng 'pen-sized microscope'

Kilalanin si Ceejay Faala, estudyanteng imbentor ng 'pen-sized microscope'
Photo courtesy: Ceejay Faala (FB)

Isang estudyante mula Binalbagan, Negros Occidental ang nakalikha ng isang pen-sized microscope o "pencroscope" gamit ang mga niresiklong materyales, na layong makatulong sa mga mag-aaral sa kanilang mga klase sa agham. 

Si Ceejay Faala, 21, ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education major in Science sa Carlos Hilado Memorial State University - Binalbagan Campus. 

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Faala, ibinahagi niya ang kabuuang kuwento sa likod ng kaniyang nakamamanghang imbensyon.

Ayon kay Faala, ang kaniyang imbensyon ay maaaring ikonekta sa smartphone o TV upang makita ang mga detalye ng specimen, at patuloy pa niyang ini-improve ang disenyo at magnification nito. 

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Ang pencroscope, kapag na-mass produce, ay inaasahang magiging mas abot-kaya kumpara sa mga tradisyunal na microscope.

Kung noon ay keychain ngayong Oktubre 2024 naman ay pen-sized ang handog ni Faala.

Pinagsama ni Faala ang passion at learnings ng kaniyang mga magulang—electronics at biology—upang maging inspirasyon niya na makalikha ng pen-sized microscope na tinawag niyang "Pencroscope." 

Ayon kay Faala, "My father has a passion in electronics, bata palang ako, I already observe my father the way he fix electronics especially sound systems. In other hand, yung mother ko naman favorite niya yung biology way back on her high school life. As their son, maybe I'm a complete puzzle of their both passion and learnings,” aniya.

Dahil dito, naging bahagi ng kaniyang paglaki ang interes sa parehong larangan, na siyang nagbigay-daan sa imbensyon.

Ang kakulangan ng mga kagamitan sa paaralan, lalo na sa larangan ng siyensya, ay isa sa mga pangunahing motibasyon niya. 

"As a student, it's a struggle to deal with scientific observation with lack of equipment," sabi niya. 

Nakita niyang hindi lamang sa kanilang eskwelahan, kundi sa iba pang mga paaralan, ay may kakulangan sa mga gamit tulad ng microscope. Kaya't isinulong niya ang ideya ng isang digital, compact, at abot-kayang solusyon.

Noong 2020, nagsimula siyang bumuo ng unang bersyon ng Pencroscope, gamit ang recycled materials. 

"My previous model is you have to attach the microscopic lens on your camera phone... it's made up of recycled materials also," dagdag niya. 

Nagmula ang ideya sa paggamit ng highlighter pen at earphone wires upang isulong ang upcycling, at natapos niya ang kasalukuyang modelo noong Agosto ng taong ito.

Ang pinakamalaking hamon para sa kaniya ay ang proseso ng trial and error. 

"The most difficult part of doing the invention is dealing with trial and error process. I'm not expert in electronics," aniya. 

Natutuhan niya ang mga teknikal na aspeto sa pamamagitan ng panonood ng mga video sa YouTube upang tiyakin na tama ang bawat hakbang na kaniyang ginagawa.

Pagdating sa teknolohiya, binuo niya ang Pencroscope gamit ang micro-technology upang magkasya ang sistema sa loob ng isang highlighter pen. 

"Because the Pencroscope is way smaller than existing similar products, it uses micro-technology... some of the parts are imported from USA," paliwanag niya. 

Ang layunin niya ay mapalawig pa ito sa pamamagitan ng local na paggawa ng mga pangunahing bahagi.

Bagama’t ang mga tradisyunal na microscope ay may mga benepisyo pa rin, higit na naiiba ang Pencroscope pagdating sa portability at affordability.

"Pencroscope standout on its accessibility... you can deal discoveries no matter if you're in your site," aniya. 

Malaking tulong ito sa mga guro at estudyante, lalo na sa mga nasa malalayong lugar.

Sa kasalukuyan, may dalawang magnification varieties ang Pencroscope—60x at 130x—at inaasahang magkakaroon pa ng 350x magnification sa hinaharap. 

"The display resolution reached 720p," sabi niya

Na nagpapakita ng malinaw at mataas na kalidad na imahe mula sa microscope.

Para sa mga susunod na hakbang, plano ni Faala na dagdagan pa ang mga features ng Pencroscope.

"I'm working to have touch power sensor which it can give button-less feature of the invention," sabi niya. 

Nais din niyang magdagdag ng slide holder para magamit ito sa inverted method, na mainam para sa mga likidong specimen.

Bilang isang student inventor, naging malaking bahagi ng kaniyang karanasan sa kolehiyo ang imbensyon. 

"Aside in this Pencroscope, I still have some inventions that not yet introduced," aniya. 

Isa sa mga pangunahing adbokasiya niya ay ang R2U2 method (Reduce, Repurpose, Upcycle and Use) na nakatuon sa creativity at proteksyon ng kapaligiran.

Nag-iwan din si Faala ng payo para sa mga kabataan at estudyanteng nagnanais lumikha ng kanilang mga imbensyon.

"Aim improvements rather than success because if you're improving, you're far from failure," saad niya

Naniniwala siyang ang patuloy na inobasyon ang susi sa pagbuo ng solusyon para sa mga problema sa paligid.

Si Faala ay minsan na ring naitampok  sa Balita noong minsa’y mag-viral ang kaniyang funny FB post na ‘ampalaya jam’. 

BASAHIN: Malalasahan ang pait ng nakaraan: Ampalaya jam, bet mo bang tikman?

Samantala, noong Setyembre 2023, isa pang imbensyon na may kaugnayan sa microscope ang nag-viral. Ito ay nilikha ni Jeremy de Leon, na tumanggap din ng parangal para sa kaniyang makabagong kontribusyon sa larangan ng agham.

BASAHIN: Kilalanin si Jeremy de Leon, imbentor ng 'portable keychain microscope’

Mariah Ang