January 23, 2025

Home SHOWBIZ

Joel Torre, nagpakain ng mga bata sa isang elementary school sa Mindanao

Joel Torre, nagpakain ng mga bata sa isang elementary school sa Mindanao
Photo courtesy: World Food Programme (FB)

Pinuri ng mga netizen ang award-winning veteran actor at restaurant owner na si Joel Torre matapos niyang pakainin ang 340 mga estudyante ng isang elementary school sa Mindanao noong World Food Day.

Mababasa sa Facebook post ng "World Food Programme" ang pagpapakain ni Torre sa 340 mag-aaral ng Datu Sa Biwang Elementary School sa Bangsamoro Region. Siya raw mismo ang nagluto, naghanda, at nagbigay nito sa mga mag-aaral.

"Joel Torre, a veteran actor and owner of JT's Manukan Grille, prepares chicken and vegetables for 340 kids at Datu Sa Biwang Elementary School on #WorldFoodDay," mababasa sa post.

"Datu Sa Biwang Elementary School is among the 9 schools in the Bangsamoro Region implementing the home-grown school feeding programme."

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"By providing hot, nutritious meals daily, the programme helps improve education outcomes while supporting their nutritional needs."

Samantala, mababasa naman sa Facebook page ng resto ni Torre ang pagtugon niya sa nabanggit na appreciation post ng WFP.

"Honored, humbled and grateful to be a part of something bigger than ourselves. UN World Food Programme (WFP) partners with JT’s Manukan Grille in Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao to celebrate World Food Day," aniya.