Nausisa si volleyball superstar player na si Alyssa Valdez kung tatalikuran na ba niya ang sports na kinahumalingan niya sa oras na bumuo na siya ng pamilya.
Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano, ibinahagi ni Alyssa na sa palagay niya raw ay susuportahan pa rin siya ng magiging pamilya niya sa kaniyang kaligayahan,
“I think if I have a family for sure they’ll support me in my happiness din [which is volleyball],” lahad ni Alyssa.
Dagdag pa niya, “I believe I’ll do the same on my partner and on my family. I would definitely support them kung ano ang gusto nila in life na feeling nila makakapagbigay din sa kanila ng happiness.”
Bukod dito ay ibinahagi rin ng volleyball superstar player kung paano niya nakikita ang pamilyang bubuuin niya in the near future.
“Hindi ko alam kung ika-curse ako ng kid ko pero siguro ‘pag Sunday, nasa park lang kami naglalaro. Or nagja-jogging,” natatawang sabi ni Alyssa.
“Probably gano’n po. Or spend time traveling or exploring the world, something like that,” dugtong pa niya.
Pero sa ngayon, ayon kay Alyssa, gusto raw muna niyang mag-focus sa present.
“‘Yon ‘yong ngayon wino-work ko po, present. I mean, as much as we plan things nama…we want to go there but sometimes hindi tayo doon dinadala ni God,” aniya.