Lilipad patungong Jakarta sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Linggo, Oktubre 20, upang dumalo sa inagurasyon nina Indonesian President-elect Prabowo Subianto at Vice President-elect Gibran Rakabuming.
Sa isang pahayag nitong Sabado, Oktubre 19, na inulat ng Manila Bulletin, ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO) na si Indonesian President Joko Widodo ang nag-imbita sa First Couple na dumalo sa inagurasyon.
Binanggit din ng PCO na nagpapakita rin ang magiging pagdalo nina PBBM at FL Liza ng mas pinaigtin ng bilateral relations ng Pilipinas at Indonesia.
"The attendance of President Marcos and the First Lady at the inauguration of the Indonesian President and Vice President reaffirms the deep and enduring friendship between the two nations, founded on close people-to-people ties," anang PCO.
"The President's attendance in the inauguration also signifies the Philippines' sincere commitment to further expand and deepen bilateral relations," dagdag nito.
Ang naturang nakatakdang pagbisita ni Marcos sa Indonesia sa Linggo ang ikaapat na beses mula nang maupo siya sa puwesto ng pagkapangulo noong 2022.
Ngayong taon naman ipinagdiriwang ang ika-75 taon ng diplomatic relations ng Pilipinas at Malaysia.