October 23, 2024

Home SPORTS

LPU basketball player na nahimatay at bumulagta sa court, nagkamalay na!

LPU basketball player na nahimatay at bumulagta sa court, nagkamalay na!
Photo courtesy: GMA Sports PH/Facebook

Nagkamalay na si Lyceum of the Philippines basketball player JM Bravo matapos mawalan ng malay at humandusay sa court sa kasagsagan ng kanilang laban kontra Arellano, nitong Sabado, Oktubre 19, 2024. 

KAUGNAY NA BALITA: Basketball player ng Lyceum, nawalan ng malay matapos makabungguan isa pang player ng Arellano

Sa ulat GMA News, gising na raw si Bravo na agad na isinugod sa Cardinal Santos Hospital nang ilabas siya sa San Juan Arena ng naka-stretcher. 

 Nakalabas na rin daw ng ospital si Bravo matapos mag-negatibo sa resulta ng CT scan. 

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan

Samantala, ayon naman sa panayam ng media kay NCAA char Hercules Callanta, bahagya raw iniinda ni Bravo ang pagkahilo, pananakit ng ulo at masakit na panga, dulot ng pagkakabunggo niya sa bahaging likuran at balikat ni Arellano cager Renzo Abiera.

Iginiit din ni Callanta na hindi pa raw maaaring bumalik si Bravo sa training at umattend ng klase hanggang Lunes, Oktubre 21, 2024, upang masiguro raw ang pagpapahinga niya.

Kate Garcia