January 23, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Isang binatilyong piloto, iniikot 7 kontinente; malilikom na $1M, para sa cancer research

Isang binatilyong piloto, iniikot 7 kontinente; malilikom na $1M, para sa cancer research
Photo courtesy: Ethan Guo/Instagram

Kasalukuyang nasa Pilipinas ang kinikilala ngayong isa sa mga pinakabatang piloto sa buong mundo na nagbabalak na ikutin ang pitong kontinente.

Si Ethan Guo, 19, ay isang Asian-American na kasalukuyang pinapalipad ang isang 50-anyos na Cessna 183 Skylane, sa pagnanais umano niyang maikot ang buong mundo.

Noong Mayo 31, 2024 nang magsimula raw si Guo na lumipad mula sa Tennessee patungo sa iba’t ibang bansa. Kamakailan nga ay dumating siya sa Pilipinas, ang kaniyang huling layover bago tumungo sa Japan.

Sa panayam ng isang local media kay Guo, 13-anyos lang daw siya ng magsimula ang kaniyang interes sa aviation.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

“My parents have always told me ‘it’s your life, do whatever you want’. That's kind of my parents' approach to raising me,” ani Guo.

Pagtuntong naman daw niya ng 17-anyos ay tuluyan niyang nakuha ang kaniyang lisensya sa pagiging piloto. Pinasok daw niya ang iba’t ibang trabaho upang makalikom siya ng pondo sa pangarap niya na malibot ang buong mundo.

Samantala, nagdesisyon naman daw si Guo na gawing fundraising ang paglibot niya sa buong mundo, nang magkasakit umano ang kaniyang pinsan.

“Unfortunately, my cousin got diagnosed with stage 4 blood cancer, so it was really personal… There is nothing I can do to directly help him,” saad ni Guo.

Kaya naman nais umano niyang makakuha ng $1M upang gawing donasyon at labanan aniya ang cancer. Nakakalikom daw siya ng donasyon sa pamamagitan ng isang website (ethansflightagainstcancer.com) kung saan niya rin inlalagay ang mga nagiging progress daw niya sa mga napupuntahang lugar.

“The whole goal is to get people's attention by doing something interesting, and then use that attention to bring awareness to a cause that’s even more important,” dagdag pa ni Guo.

May proper coordination din daw ang batang piloto sa bawat airport upang makasiguro siya na may sapat na gasolina siyang maaaring mapagkunan.

Saad pa ni Guo, nais pa raw niyang makatulong sa mas marami, kung sakaling maging matagumpay daw ang kaniyang kasalukuyang ekspedisyon.

"If everything goes successful, I want my next mission to help even more people to take on other problem...to do big projects and to try my best to contribute while I can with my life to make this world a steady better place,” ani Guo.

Kate Garcia